Saturday Nights at Libis by: The Wicked Racing
Tuesday, 20 February 2001 08:00

Feature Article: Saturday Nights at Libis
by: The Wicked Racing Webmaster

nite_race_01.jpg (2876 bytes)

Yesss, Sabado na naman. Oras na para magpa-cute sa Libis mamayang gabi. Marahil ay ganito ang iniisip ng iba sa mga pumupunta sa Libis. Well, isa ako sa mga palaging pumupunta sa Libis tuwing Sabado ng gabi. Pagpatak ng mga bandang 12 midnight ay unti-unti nang dumadami ang crowd. Pati mga nagtitinda ng yosi ay pumupwesto na rin upang makapaghanap-buhay.

Marami kang mapapansin sa Libis bukod sa mga nagsulputang mga bars doon. Madalas ay aakalain mong may fashion show dahil andaming chikababes na labas ang mga likod at hita. Siguro yung iba dun sa mga babae ay na-pulmunya na dahil halos exposed lahat ang kanilang likod. Hahahaha, kunsabagay kahit minsan nakakakita din ako ng mga chikababes dun na anlalaki ng mga braso (parang pamalo ng dalag) pero naka sleeveless pa.

Grabe rin ang mga apog nung mga yon. Tapos eto naman yung mga guys na kasama nung mga chikababes. Yung iba, gwapings ang auto pero pangit ang face, meron namang gwapings ang face pero pangit ang auto, at shempre meron ding mga gwapings ang face at gwapings din ang auto. Wag na nating pag-usapan yung mga pangit ang face at pati auto ay pangit din. Hay naku, ang dami mo talagang mapapansin sa Libis basta Saturday night.

nite_race_02.jpg (6672 bytes) nite_race_03.jpg (4465 bytes)

Pagkatapos ng konting inom sa bar ay deretso na ng karerahan. Eto na ang mga taong hot na hot sa karera. Walang ibang gagawin kundi magpaikot-ikot dun sa strip at maghanap ng makaka-guage. Minsan kahit walang kalaban ay basta na lang bibirit para lang ma-satisfy ang need for speed. Ratrat lang ng ratrat hanggat may gasolina pa, ganyan ang mga karerista sa Libis. Kung minsan, kala mo ay may transhow dahil nagpapagandahan ng auto, pero shempre ay pabilisan pa rin ng auto ang pinag-uusapan. Marami ring iba't ibang klase ng mga tao na nasa gilid-gilid ng Libis. Allow me to classify them: Yung mga kumakarera na nagpapahinga lang. Yung mga kumakarera na natalo at ayaw nang mapahiya. Yung mga naghahanap ng kapustahan. Yung mga pumunta ng Libis para lang manood ng karera. Yung mga napadaan lang. Yung mga nagtitinda ng yosi na nakikinood sa mga karera. Yung mga magsyota na walang mapwestuhan. Yung mga addict na wala ring mapwestuhan. Yung mga gusto pang kumarera pero wala nang gasolina o kaya ay may sira ang auto. Yung mga pulis na nakikialam sa mga karerista.

nite_race_04.jpg (7727 bytes)

Teka, mukhang lumalalim na ang gabi pero andami pa ring mga tao. Yung iba ay nakikita kong naghihikab na pero ayaw pa ring umuwi. Parang may hinihintay na main event. Yung mga strip pimps naman ay panay ang lapit sa mga prospect nila. By the way, yung sinasabi kong mga strip pimps ay yung mga taong lalapit sa isang karerista tapos maghahamon ng pustahan.

Eto ang usual dialog ng mga strip pimps. "Pare, gusto nyong itakbo auto nyo?" At shempre yung mga ayaw namang lumaban ay may usual dialog din. "Pare next time na lang." o kaya ay "May sira ang auto ko eh."

Tapos biglang may dumating na pulis!!! Takbuhan na!!! Kanya-kanyang sibat. Yung mga auto maguu-turn lang tapos balik ulit sa dating pwesto pero kung ayaw umalis nung pulis,,, malamang ay uwian na. Pero this time ay swerte ang mga karerista dahil after 15 minutes ay umalis na ang mga pulis. Tuloy na naman ang karera.

 

nite_race_06.jpg (7957 bytes)

Marami kang makikitang mga matutulin na auto. Hit dito, hit doon ang ginagawa ng mga drag racers. Kung minsan ay may plus pa kung medyo mabilis ang kalaban. Yung mga gusto namang mangulit ay nasa likod ng mga magbibitaw tapos bubuntutan hanggang sa dulo.

A few more hours at magliliwanag na. Alas-tres y media na ng madaling araw at mukhang may matutuloy nang pustahan. Sa kabilang side ng Libis ay may nagkukumpulang mga tao. Tila may tinitingnang makina ng sasakyan. Tapos ay lumipat sila sa isa pang auto at binuksan din ang hood. Makalipas ang kalahating oras ay naglabas na ng mga pera itong mga grupo ng kareristang nag-uusyoso sa mga bukas na hood ng kotse kanina. This is it. Mayroong pustahan!!!

Medyo matagal ang simula ng bitaw dahil andaming sukat na ginagawa bago simulan. Kung pantayan ay matatagalan lang kung jumpstart o kaya ay bobo yung flagman pero kung may plus ay mas matagal dahil susukatin pang mabuti kung eksakto yung plus na binigay. Best of three ang labanan. Considered talo kapag naka nitrous.

nite_race_05.jpg (7654 bytes)

Ang maglalaban ay SiR atchaka VTi na naka full race. Plus 1 yung VTi. Heto na, nagsimula na yung race. Unang bitaw ay panalo yung SiR. Ikalawang bitaw panalo yung VTi kse nag misshift yung driver ng SiR. Huli at ikatlong bitaw ay nanalo pa rin ang SiR. Sigawan sa tuwa yung mga ka-grupo ng nanalo at nakayuko naman ang ulo ng mga talunan.

That's life, kung minsan ay panalo pero minsan ay talo din. I guess it's time to go home na. Nang tingnan ko ang aking relo ay quarter to 5 na pala ng umaga. Oras na para umuwi at magpahinga. Next Saturday na lang ulit. Same time, same place, same face.

 
gototop